Ang Pangarap Ko Sa Akin Buhay Essay Writing

                Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap.Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan.Ang aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.

Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong ito sa aming mamaahon sa kahirapan.Sa kabilang dako naman,alam ko na hindi ito matupad kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa kolehiyo.Kaya,pagbutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa buhay.Mag- aral ako sa ALS habang nagtatrabaho ng kahit ano nakakabuti sa aming pamilya at makatulong sa pag-aalaga sa aking mga bunsong kapatid.Sana makapasa na ako ngayon sa pasulit dahil magpatuloy ako sa kolehiyo upang makatapos ng kurso.

                Sa ngayon ako po ay patuloy na umaasang maisakatuparan ang tanging pangarap.Alam kong ang aking mga pangarap ay kayang abutin sa tulong ng Poong Maykapal at sa mga taong nakapaligid sa akin para maisakatuparan ko ang matagal ko nang pinapangarap na pumasa sa pasulit.

Ang Pangarap Ko sa Buhay

Lahat tayo ay mayroong mga pinapangarap na makamit sa ating buhay at ito ang nagsisilbing gabay sa lahat ng ating pagsusumikap.

Ang aking pangarap ay ang magkaroon ng perpektong pamilya. Hindi kinakapos sa pera, may sariling bahay, at napag-aaral ang mga anak. Kabaliktaran ang aking mga pangarap sa kung ano ang mayroon ako ngayon. Kaya pagbubutihin ko ang aking pag-aaral at magsusumikap sa napiling karera upang makamit ko ang aking pinapangarap na perpektong pamilya.

Sa mga kabataang maginhawa ang buhay ay pasalamatan ninyo ang inyong mga magulang at pahalagahan ang bawat bagay na mayroon kayo.

This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →

0 thoughts on “Ang Pangarap Ko Sa Akin Buhay Essay Writing”

    -->

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *